Xyra Shenelle Palomares
FILKOMU
Disyembre 6, 2011
Balitang Kutsero
Ang bilis ng takbo ng panahon ngayon. Ang daming naluluma, nasisira, natutuklasan at nababago sa ating paligid. Ang teknolohiya ay isa sa mga dahilan sa mga pagbabagong ating natatamasa. Ito ang nagbigay daan upang dumali ang ating pamumuhay. Isa sa mga naitulong nito sa ating pamumuhay ay sa kategorya ng tranportasyon. Ang mga naimbentong o nalikhang mga “high-tech” na sasakyan kagaya ng kotse, bus, taxi, track at marami pang iba. Ngunit sa pagbabago na ating nararanasan, minsan ay hindi na natin namamalayan na may mga bagay na importante sa atin na ating napapakawalan, nakakalimutan o hindi na nabibigyang pansin/importansya. Isang sasakyan na “matulin din sa kalsada, tumatabkbo’y maginhawa, wala pang gasolina”, ang kalesa.
Ang kalesa ay isang sasakyan na kung saan meron itong karwahe na hinihila ng isang kabayo. Ang tawag sa taong nagmamaneho ng kalesa ay kutsero. Ang kalesa ay idinala ng mga Espanyol sa ating bansa noong ika-labing-walong siglo at ito ay kanilang ipinama sa atin. Noong panahon na ito, ang kalesa ay maaring lamang magamit ng mga mayayamang Pilipino o minsang tinatawag na “ilustrado”, mga opsiyal at mayayamang Espanyol. Ginagamit nila ang kalesa hindi lamang sa pagpunta sa isang pook bagkus ito rin ang ginagamit nila sa kanilang paghahanapbuhay (Philippine Traditions, 2010). Ngunit sa mga taong lumipas pagkatapos ng taong isang libo siyam naraan at sampu (1910) at hanggang sa kasalukuyang panahon, nakita ang paghina ng hanap-buhay ng isang kutsero. Ang pagsulong ng mga bilang ng mga “high-tech” na sasakyan na dinala sa ating bansa ang dahilan sa paghina ng hanap-buhay ng isang kutsero at silang rin ang pumalit sa nasabing pambansang sasakyan.
Ang aking paksa ngayon ay patungkol sa kung ano ba ang kinalaman ng mga nagsulputang “high-tech” na sasakyan sa buhay ng isang kutsero. Ano ba ang mga hirap o pagsubok na kanilang dinaranas sa araw-araw nilang pamumuhay? Sapat na ba ang kanilang kita upang maitaguyod nila ang kanilang pamilya? Bakit sila nagtitiyaga sa ganitong trabaho? Mayroon ba silang mga saloobin na nais nilang maipaalam sa gobyerno at sa mga mamamayan? Ilan lamang ito sa mga tanong na nasagot ng mga kusterong aming napanayaman at sa mga impormasyong aming nakuha sa mga libro, blogs at marami pa.
Ayon sa aking nakalap na impormasyon, malaki ang naging epekto ng mga “high-tech” nasasakyan sa buhay ng isang kutsero. Ito ay dahil ang mga nasabing bago at modernisadong sasakyan ang mga nagiging kakumpetensya ng mga kutsero sa kanilang paghahanap-buhay. Dagdag pa rito, lumiliit ang kita ng mga kutsero dahil sa dami na biglang ng mga “high-tech” na sasakyan na kanilang kakumpetensya, sa mga “advance” na anyo nito kagaya ng ang ilan sa mga ito ay “air-conditioned”, at pili lamang ang mga lugar kung saan makakakita ang isang indibidwal ng kutsero at kalesa; sa Binondo, Vigan at Intramuros. Ngunit noong itinanong namin si Kuya Fernando, isang kutsero sa may Intramuros, kung bakit pa siya na nanatili sa ganitong trabaho ang kanyang nasabi ay, “Ito na kasi ang ipinamana sa akin ng aking mga magulang at ito lang ang alam kong trabaho kahit na natapos ko ang vocational course na aking kinuha. At kasya naman kahit papaano ang kita ko para sa aking pamilya at araw-araw na gastusin”.
Si Kuya Fernando ay dalawampung taon nang kutsero, may apat na anak, at isang taong may kapansanan. Siya ay isang masiyahin na kutsero, hindi niya naipadama sa amin na mayroon siyang mga problema patungkol sa kanyang trabaho. Naibahagi niya sa amin na mahirap ring maging isang kutsero dahil may mga bagay na hindi inaasahang mangyari. Una, nariyan ang mga hindi maiiwasang aksidente. Minsan daw ay may mga pagkakataong tumataob ang kalesa dahil biglaang sumasama ang pakiramdam ng kabayo o hindi kaya ay may mga sasakyang nakakabundol sa kanila. Ikalawa, nagkakasakit ang kanilang kabayo. Bilang isang kutsero, ang kabayo na ang itinuturing nila biglang kanilang asawa o kasama nila sa buong buhay nila. Kung wala ang kabayong ito sa kanilang tabi, mawawalan sila ng trabaho at pagkakakitaan. At ang ika-huli ay ang pagbabago sa kita ng isang kutsero sa paglipas ng panahon. Kagaya ng nabanggit sa unang bahagi ng papel na ito, humihina ang kit ang kutsero dahil sa mga kakumpetensya nitong mga sasakyan. Sa kasalukuyang panahon, dalawang daan at singkwenta pesos ang singil ng mga kutsero sa mga mamamayan kung sila ay mag-papaikot sa buong Intramuros, may kasama na itong mga istorya tungkol sa kasaysayan ng pook. At, singkwenta pesos ang kanilang singgil sa mga estudyante na sasakay dito.
Naniniwala si Kuya Fernando na kahit mayroon silang problemang napagdadaanan bilang isang kutsero, may maganda pa rin itong dulot para sa kanila. Una dahil sa kanilang trabaho, nakakatulong sila upang umunlad ang turismo ng ating bansa. Ikalawa, napapasaya nila ang mga turista sa bawat pag sakay nila dito. Lalong-lalo na kapag kinukwentuhan ng mga kutsero ang mga turista ng mga kasaysayan ng ating bansa. Ikatlo, ayon kay Kuya Fernando, “Masaya maging kutsero dahil natututo rin kami ng ibang wika, kagaya ng Korean, Chinese, Japanese at iba pa. At, nakakapag salita kami ng wikang Ingles kahit hindi namin ito napag-aralan.” Ika-apat, naniniwala si Kuya Fernando na ang kalesa ang isang solusyon upang maiwasan ang polusyon. Ito ay dahil wala namang usok na ibinubuga ang mga kabayo at dahil dito, hindi nasisira ng kalesa ang “ozone layer”. At ang ika-huli, ipinagmamalaki ni Kuya Fernando na ang kanilang trabaho ay marangal. Ang huling pahayag nga ni kuya, “Malaki man or maliit ang aming kita, pareho lang din iyon. Basta sama-sama kaming pamilya.”
Batay sa aming mga nakalap na impormasyon at sa naisagawang panayam, ang pagiging isang kutsero ay hindi madali dahil sa mga kakumpetensiya nito at sa mga problemang kanilang nararanasan sa pagkakaroon ng trabahong ganito. Sa kasalukuyang panahon, masasabing malaki ang epekto ng mga “high-tech” na sasakyan sa pagtratrabaho ng mga kutsero. Ito ay dahil maraming sasakyang pangtransortasyon na mas abot kaya at mas kumportableng sakyan dahil sa mga “built-in structure/s” nito. Bagamat mahigpit ang kanilang kumpetensiya sa ibang sasakyan sa panahon ngayon, sapat pa rin ang kanilang kinikita upang tustusan ang mga pangaraw-araw nilang gastusin o pangangailangan. Malaki ang naitutulong ng mga kalesa sa pageendorso ng turismo ng ating bansa. Ang kalesa ay hindi basta-bastang o hindi ordinaryong sasakyan kagaya ng dyip, traysikel o pedicab. Kung ikukumpara ito sa iba, mas mahal ang kalesa dahil ito ay ating pambansang sasakyan.
Sa kabuaan, bilang isang mamamayan ng ating bansa dapat nating alalahanin na ang ating pambansang sasakyan ay ang kalesa. Hindi natin dapat itong pakawalan dahil ito ay isa na rin sa ating yaman. Ang kalesa ay dapat nating paunlarin upang hindi mawala unti-unti ang halaga nito sa ating kasaysayan at upang makatulong din tayo sa pamumuhay ng ating kapwa Pilipino na nagtratrabaho bilang isang kutsero.
Sanggunian:
1. Bloom, G., & Rowthorn, C. (2006). Philippines. Lonely Planet. Retrieved from http://books.google.com/books/about/Philippines.html?id=aaUR07G0yAcC
2. Croghan, R. (1975). The development of Philippine literature in english (since 1900). Alemar-Phoenix Pub. House. Retrieved from http://books.google.com/books/about/The_Development_of_Philippine_literature.html?id=YxQkAAAAMAAJ
3. http://blogs.inquirer.net/beingfilipino/2009/01/13/my-conversations-with-a-kutsero/
4. http://letsgotophilippines.blogspot.com/2007_07_01_archive.html
5. Composite Profile of a Filipino Pedicab Driver. Author: Jose Vittorio R. Bajar. Dec 1990 DLSU page 1
No comments:
Post a Comment